Wednesday, March 12, 2014

249 " DI NA MANAKAW PA," AUG. 21, 2013

249. " DI NA MANAKAW PA," 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, AUGUST 21, 2013
-
LETRA:
-
kay aga nito
Para sa pasko
Pero baka nga
Kailangan ito
Sipain lahat
Kung nararapat
Ang mga taong
Nangungulimbat
-
Layuning ito
Ay dumating na
Kahit na Pasko
Ay malayo pa
Ang nagkasala
Dapat managot
Sa taong bayan
Sila ay lagot
-
Ang pagnanakaw
Ng pork barrel fund
H'wag nang maulit
Magpakailanman
Kaya nga tayo'y
Magsamasama
Ang pork barrel funds
Di manakaw pa
-
Tayo'y magsama
Makipaglaban
Pera ng bayan
Ay mabantayan
-
August 21, 2013

No comments:

Post a Comment