248. " DANGAL ANG YAMAN AWARD," 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, AUGUST 22, 2013
-
LYRICS:
-
Ika'y nagtapos
Mag-aral doon
Hanggang sa hi skul
Sa Romblon, Romblon
Natutunan mo
Ang pagmamahal
Sa kapwa't bayan
At sa Maykapal
-
Dahil sa sipag
T'yaga't talino
Humanga sa'yo
Kapwa tao mo
Nakilala ka
Taong marangal
Kaya ka naman
Nila minahal
-
Sa kaklase n'yo
Pinto mo'y bukas
Paglapit sa'yo
Ano mang oras
Bukas din ito
Sa mga guro
Landas ng buhay
Sa'yo'y nagturo
-
Turi'ng nga sa'yo'y
Dangal ng bayan
Taong uliran
Dapat tularan
Papuring ito'y
Gawad ng bayan
Para sa tao'ng
Dangal ang yaman
-
Papuring ito'y
Gawad ng bayan
Para sa tao'ng
Dangal ang yaman
-
Markham, Ontario, August 22, 2013
No comments:
Post a Comment