Thursday, March 13, 2014

279 " IBA NA BA ANG TURO NGAYON?" JUNE 23, 2013

279. " IBA NA BA ANG TURO NGAYON?" 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, JUNE 23, 2013
-
LYRICS:
-

Ano na nga ba
Puede ko kong gawin
Para bayan ko'y
Umunlad na rin
Mga ugaling
Hindi maganda
Sa isip natin
Aking mabura
-
Sa daming tao'ng
Nagmamadali
Di na makuha
Man lang ngumiti
Di makabati
Sa kapwa tao
Lahat ng hirap
Ang nasa ulo
-
Pilipino ba
Ay nawalan na
Maganda asal
Nalimot na n'ya
Sino'ng maysala
Asal na dati
Di na makita
Sa ating kalye
-
Mali na nga ba
Ang turo ngayon
Ugaling dapat
Di na malingon
-
23June13, Toronto, Canada

No comments:

Post a Comment