280. " MATIBAY ANG PILIPINO," 3/4, LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, JUNE 23, 2012
-
LYRICS:
-
Ang bayan natin
Kawawa na ba
Kay daming kulang
Ang nakikita
Mabuti na lang
Ang Pilipino
Lahat ng hirap
Tanggap n'ya ito
-
Sino nga kaya
Ang s'yang pinuno
Na matuturing
Na s'yang matino
Sabi ng iba
Basta't malinis
Di magnanakaw
Ang ating nais
-
Ang ating bansa
Ay mahal natin
Ano mang hirap
Ay kaya natin
Tumulong tayo'ng
Ito'y umulad
Para mga tao
Maging mapalad
-
Sa bayan natin
Ay may ligayang
Di makikita
Sa bayang iba
-
23June13, Toronto, Canada
No comments:
Post a Comment