Wednesday, March 12, 2014

247 " KAWAWANG PILIPINAS," AUG. 19, 2013

247. " KAWAWANG PILIPINAS," 3/4 LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, AUGUST 19, 2013
-
LYRICS:

kawawa naman
Ang Pilipinas
Kay raming hirap
Na dinaranas
May pork barrel scam
Na nagaganap
Bahang problema
Di pa malutas
-
Ano'ng pag-asa
Ang naghihintay
Sa bawat isa
Para mabuhay
Hindi na kaya
Malulutas pa
At nang ang baha
Ay mawala na
-
Kung pera sana'y
Di ninanakaw
Baka sakali
Na balang araw
Ang bahang ito
Ay magugulan
Sapat na pera
Nang mapigilan
-
Dapat malutas
Problemang ito
Para gumanda
Buhay ng tao
-
Markham, Ontario, August 19, 2013

No comments:

Post a Comment