294. a song for a day....June 17, 2013
" NASA PUSO MO MAKATANG TUNAY," 3/4,
LYRICS/MELODY BY LOLO BOMBOY, JUNE 12, 2013
-
LYRICS:
-
Maganda na nga
Tula mong gawa
Baka ito na
Ang s'yang simula
Isa pang araw
Ay magising ka
Meron kang ngiti't
Tula sa labi
-
H'wag kang magulat
kung magising ka
Mata'y mamulat
Makata ka na
Ano ngang saya
Ang madarama
Kung mabigkas mo
Tulang gawa mo
-
Pati na kami
Ay magsasaya
Sa kathang tula
Kapiling ka na
Kaya piliting
Magsimula ka
Pagkagising mo
Makata ka na
-
Nasa puso mo
Makatang tunay
Nagsusumamo
Bigyan ng buhay
-
12June13, Toronto, Canada
No comments:
Post a Comment